ANG AKING PRESIDENTE at BISE PRESIDENTE

2:00:00 PM






Dahil ito ang unang pagkakataon na boboto ako, hindi ko sasayangin o ipababasta basta lang ang pagpili ng sa tingin ko  na maayos na presidente at bise presidente. Walang kandidatong taong perpekto, lahat ay may natatagong kahinaan. Ngunit kaya nating magka isa para makabangon, makabangon upang malabanan ang kahinaan ng ating bansa, madaling magsalita, madaling sabihin makakaangat tayo, pero kung puro salita walang mangyayare, kung walang dispilina walang mangyayare, walang pagkakasundo walang mangayyare. Alam kong maraming tanong na gumugulo satin, sino nga ba ang karapat dapat, sino nga ba ang may malasakit, may pagmamahal sa ating mahal na bayang pilipinas, sino mga ba ang handang magsakripisyo, sino ang handang maging ama/ ina ng ating bansa.

Pagdating sa pagiging matapang, buo ang loob, palaban, walang kinakatakutan pagdating sa tama at makabayan, para saken ikaw Duterte! Sa panahon ngayon hindi mo na kailangan magsaliksik upang malaman ang mga pangunahing problema ng bansa, dahil kitang kita naman at damang dama natin mga pilipino ang problema at paghihirap ng Pilipinas. Korupsyon, droga, krimen yan lang ang isa sa mga pinagdarasal nmin/natin na sana kahit papano mabawasan at unti unting mawala. Kailangan natin ng isang leader na Matapang/Agresibo sa paraan na tama at makabayan, yan mga katangian na yan ang sa tingin ko kay Mayor Duterte matatagpuan. Kailangan natin sindakin, hulihin ang mga nagtutulak, gumagamit ng bawal na droga na nagiging sanhi ng mga karumal dumal na krimen, mga mandarayang magnanakaw sa gobyerno. Bagamat alam kong magiging malaking hakbang ito kay Mayor Duterte mula sa pagiging Mayor sa Presidente, mabigat na responsabilidad pero sa kabila ng lahat susuportahan ko sya sa kung anong mang mangyare, siguro ganun naman talaga para umunlad kailangan magtulungan malaki man o maliit na grupo yan. Pagdating naman sa bise presidente sana palarin manalo si Congresswoman Leni Robredo upang para sya naman ang mga mamahala sa kahirapan, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nasa lansangan natutulog, walang makain palaboy laboy, hindi bat kahabag habag ang mga ganun, Alam kong isa eto sa mag platoporma nya maging ang murang gamot para sa ating kalusugan, hindi lahat ng ating kababayang pinoy ay may kakayanan makabili ng sapat na gamot para sa ating kalusugan.   Sana panindigan din ni Leni Robredo ang murang edukasyon, upang magkaron ng pagkakataon makagpag aral ang mga kapos at hikahos sa buhay,  mga karapatan ng mga kababaihan. Sa kabila ng lahat sana magkasundo sila bilang mga magulanv natin ng bansa. Mayroon tayong amang matapang, marunong dumisiplina, kayang ipaglaban ang karapatang tama para sa bayan, at isang ina na may malasakit, may puso na lageng magpapaalala satin, gagabay at susuporta malaki man o maliit na bagay. Ipinagdarasal ko na sana manalo sila, at kung manalo man alam kong magkakasundo sila kase pareho sila ng layunin sa ting mga pilipino, parehong may malasakit sa bayan. Sana lang hndi magkaroon ng bahid ng dumi ang eleksyon ngayon darating na halalan, sa bandang buli kung sino man ang manalo sana suportahan pa rin natin, sana magka isa tayo,, sana magtulungan, sana pantay pantay, sana malinis. Ipagpapatuloy ko ang pagdarasal na sana kahit papaano umangat ang ating bansa bilang isang masaya at maunlad na pamilya.

You Might Also Like

0 commenti

Modulo di contatto

Subscribe