Parang kahapon lang ba talaga yung 1st bbirthday mo? Hayayay tapos ngayon ay ika lawang kaarawan mo na. Ang bilis grabe! at pakiramdam ko tuloy tumatanda na rin ako hahaha. Pero nagpapasalamat ako dahil ang bait bait mong bata makulit pero sakto lang kaya pa namin ni Dada sabayan ang kakulitan mo 😜. As long as you're happy we are also happy.
Ay naku papasok na pala kami sa "terribili due anni" or sa english "terrible twos" pero kahit naman nung isang taon pa lang sya super likot, curioso sa lahat ng bagay, walang paki alam kung masasaktan, pero at the end of the day hindi mawawala ang kanyang kasweetan kaya ikaw din ang talo, sa kabila ng lahat na nagawa nyang hindi kanais nais mababawi nya pa rin eto ng isang hug at halik mula sa kanya, oh diba hindi ka na makakatangi, nakakawala ng pagod talaga ang mga bata. Masayang mahirap, masarap, halo halong emosyonal na kapag naging nanay ka.
Etong taon na to ay ikalawang taon ng kaarawan ng aming super cute na anak (walang kokontra post ko ;P) Medyo simple lang celebration kase dito lang sa bahay kasama ang kanyang mga pinsan, kokonti lang kase lahi namin dito sa italia kaya kami kami lang.. Masaya naman naming naidaos ang kaarawan nya, importante kase nag enjoy sila kasama ang mga tsikiting .
Yung Tema na napili namin ay BATMAN theme or BATMATTH, halos lahat ay DIY lang, gawang misisdena lang, in short ako lang may gawa ng lahat, actually hindi naman pala lahat kase yung mga balloons na may hellium ay inorder namin, the rest are DIYs na.
Etong mga small paper bags na to ay nabili ko sa isang negozio (store) dito sa padova TIGER yung name nya. ( http://it.flyingtiger.com/it-it/countries/italy/stores/it129 ) for only 1.20 (6pcs) then yung logo ay pinaprint ko na lang sa asawa ko since mas magaling sya magphotoshop saken. 😙😆
At yung mga laman ng bags nya ay puro sweets hahahaha (aray ko po ngipin) Dito kase sa italia medyo mura lang chocolates kaya hindi ka manghihinayang na bumili, at tsaka eto talaga magpapasaya sa mga bata (minsan lang naman) Ayoko din sanayin sa matatamis na pagkain anak ko bukod sa masisira kagad ang ngipin ay mahirap din pakainin kapag oras na ng pagkain 😞😑😞 katakot takot na pagmamakaawa pa ang mangyayare para lang makakain ng ayos, kaya haggat bata pa, medyo limitan muna natin para din naman kase to sa kalusugan nila.
Buti na lang bulilits pa din ang mga pinsan nya dito sa italia, kaya kajamming din ni matthias sa pagkain nya ng cake. Isa kase sa mga gusto namin ay mag enjoy ang baby nya since naapreciate nya na ang paglalalro at takbuhan , actually mas gusto nya kalaro ay mas malaki sa kanya siguro kase super hyper lang talaga ng anak namin, hindi mapakali, pero ang halakhak nya ay bumubuhay sa aming bahay kaya napakasaya sa pakiramdam.
Yung Tema na napili namin ay BATMAN theme or BATMATTH, halos lahat ay DIY lang, gawang misisdena lang, in short ako lang may gawa ng lahat, actually hindi naman pala lahat kase yung mga balloons na may hellium ay inorder namin, the rest are DIYs na.
Art paper lang to, na kinortehan ng numero 2 |
<3 |
ang cute talaga, special thanks to Ate ever ang aming supplier sa twing magdiriwang ng oksayon, (we bought it for only 50euro) |
<3 |
At yung mga laman ng bags nya ay puro sweets hahahaha (aray ko po ngipin) Dito kase sa italia medyo mura lang chocolates kaya hindi ka manghihinayang na bumili, at tsaka eto talaga magpapasaya sa mga bata (minsan lang naman) Ayoko din sanayin sa matatamis na pagkain anak ko bukod sa masisira kagad ang ngipin ay mahirap din pakainin kapag oras na ng pagkain 😞😑😞 katakot takot na pagmamakaawa pa ang mangyayare para lang makakain ng ayos, kaya haggat bata pa, medyo limitan muna natin para din naman kase to sa kalusugan nila.
Buti na lang bulilits pa din ang mga pinsan nya dito sa italia, kaya kajamming din ni matthias sa pagkain nya ng cake. Isa kase sa mga gusto namin ay mag enjoy ang baby nya since naapreciate nya na ang paglalalro at takbuhan , actually mas gusto nya kalaro ay mas malaki sa kanya siguro kase super hyper lang talaga ng anak namin, hindi mapakali, pero ang halakhak nya ay bumubuhay sa aming bahay kaya napakasaya sa pakiramdam.
grazie cugini |