minsan kailangan mong iwanan yung mga bagay na nagpapasakit sayo

11:19:00 PM



Mahirap pero ang dali sabihin, madaling ipayo sa iba pero di mo ma-apply sa sarili mo. Eh bakit kase pinahihirapan sarili natin sa mga bagay na hindi naman pwede.? sa mga bagay na alam nating nakakasakit, nakakaiyak, nakakalungkot at nakakapagpahina satin oh masyado lang talaga tayo emosyonal,. oh baka naman umaasa pa rin tayo sa huli na  baka may posibilidad makakamit natin yung kasiyahan na nagdudulot satin ng sakit at pait. Ang hirap labanan no? lage nasa isip mo, hindi ka makapakali, hindi mo alam kung ano gagawin paano at sisimulan kalimutan. Pero sa reyalidad at bandang huli ikaw lang makakatulong sa sarili mo, mahirap tuklasin kung paano pero kailangan para sa ikakabuti. Sana nga ganun kadali o sana kapag uminom ka ng gamot gagaling kana kagad na parang nasugatan ka lang at muling maghihilom. Pero sa lahat ng ito, ang pwede mong madaingan ng karamdaman ay ang Panginoon may kapal. Tiwala lang, maiiwasan mo lahat ng sakit hindi man ngayon kundi sa bandana huli. Magdasal upang makatulong.

You Might Also Like

0 commenti

Modulo di contatto

Subscribe